Ginugol ko maraming taon, Hindi pinansin ang Pangino’n, Maging kamatayan Niya roon Sa Kalbaryo. Libreng b’yaya, awang dakila; Higit na patawad sa sala; Mula sa bigat napalaya, Sa Kalbaryo. Sa ilaw Niya, nalaman sala Sa harap ng utos nangamba, Sa pagbaling, takot nawala Sa Kalbaryo. Lahat Ko’y ’binigay sa Kanya, Puso’y bukal pagharian Niya, Di malimutan Kanyang dusa Sa Kalbaryo. Pag-ibig balak kaligtasan, B’yayang tungong sangkatauhan; ’Binalik ako sa Diyos lamang, Sa Kalbaryo. Mel : Daniel Brink Towner 1895 [AT CALVARY] Text: William Reed Newell 1895 "Years I Spent In Vanity And Pride" Tagalog: "Ginugol ko maraming taon" Web : http://www.liederschatz.net